--Ads--

Arestado ang isang empleyado ng Cauayan Airport sa Isabela matapos umano itong magbiro tungkol sa pagkakaroon ng bomba sa kanyang sasakyan, na nagdulot ng agarang pagresponde ng mga awtoridad at pangamba sa loob ng paliparan nitong Biyernes, Hulyo 24.

Ayon sa ulat, papasok pa lamang sa paliparan ang empleyado nang sabihin umano nito na may bomba sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (AVSEGROUP), kasama ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) at K9 Unit upang inspeksyunin ang naturang sasakyan.

Matapos ang masusing pagsusuri, kinumpirma ng mga awtoridad na walang natagpuang anumang pampasabog o mapanganib na materyal sa loob ng sasakyan.

--Ads--

Sa kabila nito, inaresto ang suspek dahil sa umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.Kasalukuyan nang inihahanda ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa nasabing empleyado.