--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginahasa at tinangka umanong patayin ng isang construction worker ang isang Guest Relation Officer (GRO) sa Cagayan river na nasasakupan ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Ang biktima ay si Myra, hindi tunay na pangalan, 23 anyos, residente ng Quezon City at nagtatrabaho sa isang videoke bar sa Nappacu Pequenio, Reina Mercedes, Isabela habang ang suspek ay ang construction worker na si Dino, residente ng Reina Mercedes.

Lumabas sa imbestigasyon ng Reina Mercedes Police Station na matapos bayaran ni Dino ang bar fee ng biktima ay nagtungo sila sa Cagayan river na nasasakupan ng barangay Turod.

Ginahasa umano ng suspek si Myra at tinangka pang patayin matapos itong lunurin at tutukan ng patalim sa kaniyang leeg.

--Ads--

Ang suspek ay kakasuhan ng rape with frustrated homicide habang ang GRO ay isinailalim sa medical examination.