--Ads--

Pansamantalang binawi ng US ang mga sanctions sa 140 milyong bariles ng langis mula sa Iran. Kasabay nito, tumaas ang presyo ng Brent crude sa $112.19 kada bariles, pinakamataas mula nang magsimula ang digmaan. Ayon sa Goldman Sachs, posibleng magpatuloy ang mataas na presyo ng langis hanggang 2027.

Samantala, inihayag ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, sa social media nitong Biyernes na isinasaalang-alang ng US ang unti-unting paghupa ng kanilang operasyon militar sa Gitnang Silangan.

Gayunpaman, iniulat ng mga opisyal na libu-libong karagdagang sundalong Amerikano ang ipinapadala sa rehiyon. Ayon naman sa isang senior official ng Iran, hindi naniniwala ang Tehran sa pahayag ni Trump.

Pinuna rin ni Trump ang mga kaalyado ng US sa NATO, tinawag silang “tahimik” o “cowards” dahil umano hindi sila tumutulong sa pagpapatatag ng Strait of Hormuz. Iginiit niya na mababa ang posibilidad ng ceasefire o tigil-putukan sa kasalukuyang labanan.

--Ads--