--Ads--

Umakyat sa $104.81 bilyon ang gross international reserves o GIR ng Pilipinas nitong Agosto, pinakamataas sa loob ng limang buwan, ayon sa paunang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Mas mataas ito ng 1.4% mula sa $103.32 bilyon noong Hulyo, dahil sa pagtaas ng halaga ng gold holdings ng BSP kasabay ng pagmahal ng ginto sa pandaigdigang merkado, gayundin ng kita mula sa mga investment nito sa ibang bansa.

Gayunman, bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil ginamit ng pamahalaan ang foreign currency deposits nito sa BSP para sa pagbabayad ng external debt.

Samantala, umakyat ng 9.3% ang gold holdings ng BSP sa $19.11 bilyon mula $17.49 bilyon noong Hulyo, at mas mataas din ito ng 31.6% kumpara noong Agosto 2025.

--Ads--

Ayon sa BSP, sapat ang kasalukuyang GIR para tustusan ang hanggang 6.8 buwang halaga ng imports ng goods at payments para sa services at primary income. Katumbas din ito ng tinatayang 3.7 beses ng short-term external debt ng bansa.