Kinumpirma ng pamahalaan ng France ang kauna-unahang kaso ng Ebola sa bansa matapos magpositibo ang isang indibidwal na kamakailan lamang ay bumalik mula sa isang humanitarian mission sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa French Ministry of Health, agad na isinailalim sa mahigpit na pangangalaga at inilipat sa isang specialized medical facility ang pasyente upang mabigyan ng angkop na paggamot at maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang kalagayan ng pasyente at nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang matukoy at mabantayan ang mga taong maaaring nakasalamuha nito.
Ito ang unang kumpirmadong kaso ng Ebola sa Europa. Gayunman, nauna nang nagpositibo sa Ebola ang isang Amerikanong doktor habang nasa Democratic Republic of Congo at kalaunan ay dinala sa Germany para magpagamot.
Nanatiling nakaalerto ang mga health authorities sa Europa kasunod ng insidenteng ito upang matiyak na mapipigilan ang anumang posibleng pagkalat ng nakamamatay na virus.










