--Ads--
Mas maingat ang naging pagtataya ng ilang dayuhang bangko sa magiging paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon.
Ayon sa Singapore-based United Overseas Bank (UOB), maaaring umabot lamang sa 2% ang GDP growth ng bansa, na mas mababa pa sa 2.8% na naitala noong unang quarter.
Samantala, sinabi ng MUFG Bank ng Japan na inaasahang magkakaroon ng bahagyang pagbuti ang ekonomiya dahil sa mas mataas na paggasta ng pamahalaan, bagama’t hindi ito nagbigay ng tiyak na bahagdan.
Matatandaang lumago lamang ng 2.8% ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taon, habang patuloy na naramdaman ang epekto ng kontrobersiya sa mga flood control projects sa paggasta ng gobyerno at pribadong sektor.
--Ads--










