--Ads--

Nasawi ang isang ginang at nasugatan naman ang dalawa pang lulan ng isang tricycle matapos na mabangga ng isang forward truck sa Brgy. Mabantad Cauayan City.

Pauwi na sana sa kanilang bahay sa Brgy. Manaoag Cauayan City Isabela ang isang Ginang kasama ang dalawa pang lulan ng tricycle nang mabangga ng isang forward truck sa palikong bahagi ng kalsada sa Brgy. Mabantad, Cauayan City Isabela.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinatahak ng tricycle ang daan patungong Forest Region habang patungong Poblacion naman ang Forward Truck.

Nang marating ang pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Mabantad ay umagaw sa linya ng Tricycle ang Forward Truck dahilan para mabangga nito ang kasalubong na sasakyan.

--Ads--

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinubukan pang umiwas ng tricycle subalit huli na ang lahat dahil nabangga pa rin ang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Nagtamo ng mga injury ang tatlong pasahero at tsuper ng tricycle na agad itinakbo sa ospital.

Sa kasamaang palad ay idineklarang dead on arrival ang ginang(hindi na pinangalanan) habang ginagamot naman ang dalawa pang pasahero at tsuper ng tricycle.

Samantala, agad na dinala sa Cauayan City Police Station ang tsuper ng forward truck at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Physical Injuries and Damage to Property.

Sinubukan naman ng Bombo Cauayan na kunan ng pahayag ang tsuper ng truck ng ngunit tumanggi muna itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.