--Ads--

CAUAYAN CITY- Nauwi sa madugong komprontasyon ang sana ay masayang pagdiriwang ng pasko.

Ito ay matapos na mauwi sa pananaksak ang simpleng pag-aaway ng mag live-in partner na si Ferdie, 43-anyos at Grace, 45-anyos.

Naganap ang karumaldumal na krimen sa mismong araw ng Pasko December 25 sa Purok 3, Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng Pulisya bago ang pananaksak ay nagkaroon ng pag-aaway ang biktima at suspek.

--Ads--

Lumalabas na sinubukan ng biktima na agawin ang cellphone ng suspek na siyang naging ugat ng kanilang pag-aaway.

Pumasok umano sa loob ng kanilang bahay ang suspek para kumuha ng kutsilyo, paglabas ay sinubukan pa umano ng biktima na suntukin ang suspk subalit agad siyang naundayan ng saksak.

Pinagsasaksak ng supek ang biktima ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang naging sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

Matapos ang insidente ay agad na naaresto ng mga rumespondeng kasapi ng Delfin Albano Police Station ang suspek at kasalukuyang naka ditene sa himpilan ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon .