--Ads--
Matagumpay na nadakip ng mga otoridad ang Number 3 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa kasong rape sa Purok 7, Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela kahapon ika-20 ng Abril 2026.
Ang suspek ay itinago sa alyas na “Makoy,” 33 taong gulang, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Benito Soliven Municipal Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya, alinsunod sa warrant of arrest kaugnay ng dalawang counts ng kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Benito Soliven Police Station ang suspek para sa kaukulang proseso at disposisyon.
--Ads--











