--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinawi ni Isabela Governor Rodito Albano ang pangamba ng publiko kaugnay sa mga naidadagdag na positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na huwag dapat mangamba ang publiko dahil hindi naman kumakalat ang local transmission.

Ang mga nagpopositibo aniya ay ang mga umuuwi sa lalawigan na locally stranded individuals (LSI) at Returning Overseas Filipino Workers (ROF) kaya huwag dapat matakot dahil naaagapan naman agad at gumagaling naman sila.

Gayunman, huwag pa ring pakampante kaya dapat magsuot lagi ng facemask dahil naihahawa ang virus sa pamamagitan ng laway.

--Ads--

Bukod dito ay kailangan ding palakasin ang immune system para malabanan ang virus.

Idinagdag pa ni Gov. Albano na kung ibabalik sa ECQ ang Isabela dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ay hindi na rin sila magpapapasok ng mga LSI at ROF.

Sinabi pa niya na isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ay ang pagpapalawak sa mga quarantine facilities at paghingi ng mga karagdagan pang rapid test kits.

Layunin nito na kung nagnegatibo na sa test ang mga nasa quarantine facilities ay pauwiin na sila sa kani-kanilang mga bahay.

Tinig ni Gov. Rodito Albano.