--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinukoy ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) ang palengke at gym na dahilan ng malawakang local transmission sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Alejandro, Medical Professional Chief ng R2TMC, sinabi niya na sa nakaraang dalawang linggo ay dumami ang kaso sa lalawigan dahil nagkaroon ng surge ng pasyente na mula sa mga bayan ng Solano, Bayombong, Bagabag at iba pang parte ng Nueva Vizcaya.

Aniya, pinakamaraming pinanggalingan ng mga nagpositibo ay sa Solano Public Market na itinuturing na pinakamagandang palengke sa Nueva Vizcaya kaya marami ang nagpupuntang taga ibang bayan.

Isa rin sa nakikita nilang maraming pinanggalingan ng kaso ay ang Gym.

--Ads--

Sinabi ni Dr. Alejandro na naging kampante ang lambak ng Cagayan sa nakaraang tatlong linggo dahil kaunti lamang ang mga naitatalang pasyente kaya nang biglang nagkaroon ng maraming kaso ay hindi na napigilan ang pagkalat ng virus.

Giit ng doktor na hindi ito maituturing na napabayaan kundi lumuwag lamang ang pamahalaan sa transition ng quarantine protocols kaya marami ang nagbukas na mga establisyemento kaya naging malaya ang mga tao na naging resulta ng maraming kaso.

Tinig ni Dr. Danilo Alejandro.