--Ads--
Lumampas na sa ₱60 bawat dolyar ang halaga ng piso nitong Huwebes.
Batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP), umabot sa ₱60 and 39 centavos ang piso sa pinakamababang halaga sa loob ng araw nang magsimula ang trading.
Nag-open ang piso sa ₱59 and 90 centavos, mas mataas kumpara sa ₱59 and 52 centavos na closing nito nitong Miyerkules, Marso 18.
Ang patuloy na pagbaba ng piso ay kaugnay ng pagiging sensitibo nito sa galaw ng presyo ng langis at mga pandaigdigang pamilihan.
--Ads--







