Inihayag ng isang doktor na apektado ang healthcare system ng bansa sa labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mel Lazaro, sinabi niya na pangunahing naapektuhan ang mga healthcare deliveries gaya ng medical supplies na iniimport pa sa ibang bansa.
Maliban dito ay maaari ring tumaas ang ambulance fee para sa pag-transport ng mga pasyente sa iba’t ibang facilities pangunahin na sa mga private hospitals.
Gayunman, tiniyak ni Dr. Lazaro na walang pagbabago sa serbisyo subalit maaaring tumaas ang rate o singil dahil sa pagtaas ng operation cost ng mga pagamutan.
Umaasa naman siya na pagtuunan din ito ng pansin ng Pamahalaan upang matiyak na hindi magkulang sa gamit ang mga hospital na maaaring magresulta sa pagbaba ng kalidad ng kanilang serbisyo.
Kailan aniyang may nakalaang pondo sa mga hospital at iba pang health sectors upang matiyak na hindi maantala ang kanilang serbisyo na malagay sa alanganin ang buhay ng mga Pilipino.











