
Arestado ang isang high value individual sa isinagawang drug buy bust operation sa City of Ilagan.
Sa Pinaigting na pagsisikap ng Isabela Police Provincial Office na wakasan ang Illegal na droga ay ikinasa ang isang operasyong ikinadakip ni Alyas Den, High Value Individual, kasama sina Alyas Ica at Alyas Lex, kapwa Newly Identified drug personalities dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 sa pamamagitan ng buy-bust operation kasama ang PDEA Regional Office 2 sa loob ng bahay ni aka Lex na matatagpuan sa Purok 2, Brgy Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.
Nakumpiska ng mga operatiba ang mga sumusunod sa panahon ng operasyon: Isang (1) color orange na ecobag na naglalaman ng dalawang (2) brick ng hinihinalang Marijuana dried leaves na may mga namumungang tuktok; Isang (1) pc na tunay na 1000 peso bill (buy-bust money); Labinsiyam (19) piraso 1000 boodle money; at Isang (1) unit na android cellular phone.
Ang mga nabanggit na ebidensiya kasama ang mga suspek sa Ilagan City of Ilagan Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.




