--Ads--

Hindi bababa sa 19 katao ang nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan matapos maglunsad ng serye ng drone attacks ang paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF) sa Blue Nile State sa Sudan.

Pinuntirya umano ng RSF ang ilang lugar sa lungsod ng Damazin, kabisera ng Blue Nile State, at karatig-bayan ng Roseires nitong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga tinamaan ng pag-atake ang isang residential area sa Damazin kung saan tatlong pamilya ang nasawi.

Kinumpirma naman ng human rights group na Emergency Lawyers na anim na kababaihan ang kabilang sa mga nasawi.

--Ads--

Bukod sa mga residential area, tinarget din ng mga drone ang mga pasilidad ng kuryente sa Damazin at isang malaking dam sa Roseires.

Patuloy ang civil war sa Sudan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) at RSF na nagsimula noong 2023.