Timbog ang isang 44-taong-gulang na Ginang matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga habang bumibisita sa Santiago City custodial facility.
Ang suspek ay itinago sa alias na “Tina,’ at residente ng Santiago City.
Ayon sa ulat ng pulisya, dumalaw si Tina sa pasilidad upang bisitahin ang isang nakakulong na indibidwal.
Habang isinasagawa ang routine inspection sa mga dala nitong gamit, natuklasan ng mga pulis ang isang pakete ng hinihinalang ilegal na droga na nakatago sa loob ng kulay-itim na short pants na inilagay sa bag ng suspek.
Agad na kinumpiska ng mga awtoridad ang naturang droga at kasuotan bilang ebidensya. Kasunod nito ay inaresto ang ginang at dinala sa presinto para sa kaukulang dokumentasyon.
Haharapin niya ang kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











