--Ads--

Tumindi ang mga pag-atake ng Iran-aligned Houthi rebels sa kabisera ng Saudi Arabia na Riyadh, kung saan ilang malalakas na pagsabog ang narinig nitong Huwebes.

Ayon sa Houthis, nagpaputok sila ng ballistic missile patungo sa Riyadh airport at muling nagbanta na isasara ang airspace ng Saudi Arabia. Dahil dito, ilang flight sa King Khalid International Airport ang naantala.

Ilang multinational companies sa Riyadh ang nagpatupad din ng work-from-home arrangement para sa kanilang mga empleyado matapos ang mga pagsabog. May ilang paaralan ding nagpaalala sa mga magulang na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan.

Ang tensyon ay bahagi ng muling pagsiklab ng matagal nang civil war sa Yemen, matapos suportahan ng Saudi Arabia ang internationally recognized government laban sa Houthis. Umabot na rin sa Red Sea at Bab el-Mandeb Strait ang labanan, na mahalagang ruta para sa pandaigdigang kalakalan at suplay ng langis.

--Ads--

Samantala, humihingi ang Saudi Arabia ng suporta mula sa mga kaalyadong bansa. Nagpadala na ang Turkey ng pangunahing defensive at technical support, habang iniulat ding tumulong ang Pakistan sa pamamagitan ng military equipment at mga tropang tumutulong sa depensa ng Saudi borders.

Ayon sa mga opisyal, isinasaalang-alang din ng Syria ang posibleng suportang militar sa Saudi Arabia, kabilang ang defensive aid. Dahil sa muling pagsiklab ng labanan, tinatayang 200,000 katao na ang lumikas sa Yemen.