Naglabas na ng pormal na “Document Containing the Charges” ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
Nakasaad sa naturang dokumento ang mga tinukoy na co-perpetrators o umano’y mga kasabwat sa sinasabing common plan.
Kabilang sa mga pinangalanan sina Ronald dela Rosa, Christopher Go, gayundin ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Batay sa dokumentong may petsang February 13, 2026, tatlong bilang ng murder at attempted murder ang isinampa laban sa dating pangulo.
Ang kaso ay kasalukuyang nasa ilalim ng Pre-Trial Chamber I ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Duterte kaugnay ng nasabing usapin.











