Hindi inasahan ni Frances Casandra Serrano Mariano ng Ilagan City na mapapabilang siya sa mga topnotchers ng 2026 Nursing Licensure Examination matapos niyang makuha ang Rank 5 sa naturang pagsusulit na may 91.40 percent rating.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mariano, sinabi niyang hindi niya agad nalaman na kabilang siya sa Top 10 dahil listahan ng mga pumasa ang una niyang tiningnan nang lumabas ang resulta.
Nang makitang nakapasa siya, hinanap muna niya ang pangalan ng kanyang mga kakilala at binati ang mga ito. Makalipas lamang ang ilang sandali, nag-message ang isa sa kanyang mga schoolmate at doon niya nalaman na Rank 5 siya sa buong bansa.
Noong una, hindi pa umano siya naniwala hanggang sa padalhan siya ng screenshot ng listahan ng mga topnotchers.
Ayon kay Mariano, pangatlong kurso na niya ang nursing. Noong una, napilitan lamang umano siyang kunin ang kursong ito dahil nagmula siya sa pamilya ng mga nurse, na karamihan ay nagtatrabaho sa Estados Unidos.
Sa kabuuan ng kanyang review season, tiniyak ni Mariano na nabalanse niya ang paghahanda para sa pagsusulit at ang kanyang mga hobbies upang mapangalagaan ang kanyang mental health.
Dahil night person umano siya, gabi siya karaniwang nagre-review at umaga naman ang inilaan niya sa pagtulog.
Aminado rin si Mariano na may ilang pamahiin siyang ginawa bago ang pagsusulit, kabilang ang pagsusuot ng pulang underwear, pagsipa sa upuan at pagpapatasa ng lapis.
Gayunman, sa halip na siya mismo ang magpatasa ng lapis, pinili niyang ipagawa ito sa kanyang ina bilang pagkilala sa suporta nito sa kanyang pagre-review.
Sa ngayon, plano muna niyang magpahinga bago kumuha ng karanasan bilang nurse dito sa Pilipinas.
Iniaalay naman ni Mariano ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya at mga kaibigang sumuporta sa kanyang paglalakbay upang maging isang ganap











