Cauayan City — Naglabas ng panibagong babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes matapos ang magnitude 8.7 na lindol sa baybayin ng Russia, na maaaring magdulot ng tsunami na mas mababa sa isang metro sa mga baybayin ng bansa na nakaharap sa Pacific Ocean.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan ang unang alon ng tsunami mula 1:20 p.m. hanggang 2:40 p.m. ngayong Hulyo 30 at maaaring tumagal ng ilang oras.
Pinapayuhan ang mga residente na umiwas sa baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
Batanes Group of Islands
Cagayan
Isabela
Aurora
Quezon
Camarines Norte at Sur
Albay
Sorsogon
Catanduanes
Northern at Eastern Samar
Leyte at Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte at Sur
Davao Region (lahat ng lalawigan)
Pinapayuhan ang mga residente na ang mga bahay ay malapit sa baybayin na lumikas sa mas mataas na lugar. Ang mga may-ari ng bangka sa daungan, ilog, o mababaw na bahagi ng dagat ay pinapayuhang ilayo sa dalampasigan.











