--Ads--

Hindi dumalo ang ilan sa mga inimbitahang opisyal sa committee hearing na pinangunahan ni Reina Mercedes Vice Mayor Harold Respicio.

Ayon kay Respicio, dalawang konsehal lamang, kinatawan ng LandBank at mga tobacco farmer ang dumalo sa pagdinig.

Kabilang sa mga inimbitahan ang Office of the Municipal Mayor, Municipal Treasurer at Engineering Office para sa nakatakdang ocular inspection sa mga proyektong pinondohan gamit ang tobacco excise tax.

Dahil dito, muling itinakda ang committee hearing sa susunod na linggo, kung saan sinabi ni Respicio na mas tiyak na mga personalidad ang ipapatawag.

--Ads--

Samantala, sinabi ng LandBank na hindi sila maaaring maglabas ng halaga o detalye ng accounts ng LGU dahil sa mga umiiral na batas. Maaari lamang umano itong maibigay kung may kaukulang resolution o ordinance.

Nais sana ni Respicio na mabuksan ang accounts ng LGU upang masuri ang mga transaksyong kinukuwestiyon niya. Gayunman, hindi niya ito magagawa sa ngayon dahil tanging ang mayor ang may awtoridad na gawin ito.

Maaari lamang umano itong maisagawa ni Respicio kung nasa ibang bansa ang mayor at pormal na ipinasa sa kanya ang pagiging acting mayor.