--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabiktima ng pekeng pera ang ilang tindero sa pamilihang bayan ng San Mateo, Isabela sa nakalipas na linggo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na ilan sa madalas umanong mabiktima ay mga nagtitinda ng gulay at nangyayari umano ito sa umaga at hapon.

Ayon sa mga biktima nililito umano sila ng mga manloloko at itataon na magpapabarya ang mga ito ng isang libo o di kaya ay limandaan habang kasagsagan ang dami ng mga mamimili.

Dahil sa kakulangan ng gamit na kayang makakita ng pekeng pera ay madali umanong nabiktima ang mga nagtitinda.

--Ads--

Hindi naman na umano ipinaalam ng mga biktima sa San Mateo Police Station ang pangyayari ngunit kung babalik umano ang mga manloloko ay kanila na itong irereport.