--Ads--

Ibinabala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng umabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang headline inflation sa buwan ng Mayo 2026, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at paghina ng piso.

Sa pinakabagong month-ahead inflation forecast ng BSP, pangunahing nagtulak sa pagtaas ng presyo ang bigas, gulay, at karne na patuloy na nakakaapekto sa gastos ng mga konsyumer.

Ayon sa BSP, nakadagdag din sa inflationary pressure ang depreciation ng piso na nagpapamahal sa mga inaangkat na produkto.

Gayunman, bahagyang nabawasan ang presyur dahil sa mas mababang presyo ng krudo, pagbaba ng presyo ng isda, at bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente.

--Ads--

Noong Abril, umakyat sa 7.2% ang inflation mula 4.1% noong Marso, na lampas sa naunang projection ng BSP na 5.6% hanggang 6.4%, bunsod ng pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon dahil sa pandaigdigang paggalaw ng presyo ng langis.