Nasungkit ng Pilipinas ang back-to-back credit rating affirmation mula sa dalawang nangungunang global agencies.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, patunay ito ng patuloy na tiwala ng Rating and Investment Information Inc. (R&I) at Moody’s sa katatagan ng ekonomiya ng bansa at sa kakayahan nitong makahikayat ng mamumuhunan, lumikha ng trabaho, at pondohan ang mas maayos na serbisyong pampubliko.
Binigyan ng R&I ang Pilipinas ng A-Investment grade rating at sinundan ng Moodys na Baa2 investment-grade rating na may stable outlook.
Sabi ni Recto, dalawang boto ito ng kumpiyansa sa Pilipinas na patunay ito na nananatiling matatag ang tiwala ng investors sa ekonomiya at sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Dagdag pa niya, titiyakin ng pamahalaan na mapakikinabangan ng bawat Filipino ang tiwalang ito sa pamamagitan ng mas maraming trabaho, mas mataas na kita, mas magandang imprastraktura, at mas malakas na public service.
Ang mataas na investment-grade ratings ay nagbibigay-daan sa pamahalaan at mga negosyo na makautang sa mas mura at paborableng kondisyon. Para sa gobyerno, nangangahulugan ito ng mas malaking pondo para sa mga silid-aralan, ospital, kalsada, seguridad sa pagkain, social protection, at iba pang mahahalagang serbisyo para sa mga Pilipino.









