--Ads--

Nagtala ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng iba’t ibang operational accomplishments mula Setyembre 18 hanggang 24, 2026 bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at pagpapanatili ng kaayusan sa lalawigan.

Sa apat na anti-drug operations, anim na indibidwal ang naaresto at nakumpiska ang shabu at marijuana na may kabuuang halagang mahigit P6,000. Dalawang indibidwal din ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa illegal firearms.

Sa kampanya laban sa mga wanted person, 25 katao ang naaresto kabilang ang isang Most Wanted Person at tatlong Top Most Wanted Persons.

Dalawang suspek rin ang naaresto sa paglabag sa PD 705 matapos makumpiska ang tinatayang P25,000 halaga ng forest products sa San Mariano.

--Ads--

Samantala, 6,532 indibidwal ang na-apprehend dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa, na nagresulta sa mahigit P2.28 milyon na nakolektang multa. Nasa 49 naman ang na-apprehend sa siyam na operasyon laban sa mga paglabag sa batas trapiko.