--Ads--
Nagbabala ang Iran ng posibleng “long and painful strikes” laban sa U.S. habang nananatiling sarado ang Strait of Hormuz, na nagdudulot ng pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis.
Lumobo ang Brent crude sa mahigit $126 kada bariles bago bumaba sa $113, ang pinakamataas mula 2022, habang patuloy ang tensyon sa pagitan ng Iran, U.S., at Israel sa gitna ng umiiral na ceasefire.
Nagbabala rin ang Iran ng posibleng panibagong pag-atake sa mga base ng U.S., habang pinag-aaralan ng Washington ang mga hakbang upang muling buksan ang mahalagang daluyan ng langis.











