--Ads--

Umalingawngaw ang mga rocket sirens sa iba’t ibang bahagi ng Israel matapos magpakawala ang Iran ng panibagong missile barrage laban sa bansa kaninang hatinggabi.

Ayon sa mga paunang ulat, pinaniniwalaang nagpakawala rin ng mga rocket ang Hezbollah patungong northern Israel kasabay ng pagpapalipad ng Iran ng mga ballistic missile. Gayunman, ang mga ito ay napabagsak ng Israel Defense Forces (IDF).

Sa isang pahayag, sinabi ng IDF na kahit tapos na ang insidente, pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling malapit sa mga ligtas na lugar at patuloy na sundin ang mga abiso ng Home Front Command.

Ayon sa isang source, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan dulot ng naturang pag-atake. Samantala, sinabi ng pulisya na rumesponde sila sa isang lugar sa gitnang bahagi ng Israel kung saan may naiulat na pagbagsak ng missile.

--Ads--

This is a developing story.

VIA – JERUSALEM POST