--Ads--

Iginiit ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang pagtutol ng Iran sa mga bagong sanctions ng Estados Unidos laban sa Iranian airlines, habang binigyang-diin na nananatiling bukas ang Tehran sa dialogue at diplomasya.

Sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ni Pezeshkian na lalo lamang lalakas ang paglaban ng Iran sa harap ng sanctions at hindi umano sila susuko sa pressure ng Estados Unidos.

Samantala, sinabi ni Mohsen Rezaei, kalihim ng Supreme National Security Council ng Iran, na patuloy na isinusulong ng Tehran ang diplomasya habang naghahanda rin umano para sa posibleng digmaan.

Nagpatupad ang US ng bagong sanctions na nakaapekto sa operasyon ng Iranian airlines. Dahil dito, kinansela ng Turkey, United Arab Emirates at China ang karamihan sa mga flight ng Iran, habang hinarang naman ng Oman, Azerbaijan at Georgia ang Iranian carriers sa kanilang airspace.

--Ads--