--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagdulot ng pagbaha sa highway ang pag-apaw ng tubig irigasyon sa San Pedro, Aurora, Isabela  dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan kahapon.

Dahil sa pagbaha ay hindi makadaan sa nasabing bahagi ng highway  ang mga maliliit na sasakyan tulad ng kotse.

Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar at umabot ng mahigit isang kilometro ang haba ng mga sasakyan.

Nagtulungan ang mga kasapi ng Aurora Police Station at mga  barangay tanod ng San Pedro sa pagmamando ng trapiko para sa maayos na pagdaan ng mga sasakyan sa nasabing lugar.

--Ads--

Bukod sa national highway ay nagdulot din ng pagbaha sa ilang lugar sa bayan ng Aurora ang naipon na tubig-baha.