--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa limang araw na lockdown ang Ingud Norte, Angadanan Isabela kung saan residente si CV282 na panibagong positibong kaso ng COVID-19.

Sa naging pahayag ni Mayor Joele Mathea Panganiban, hiniling niya sa Regional Inter Agency Task Force na isailalim muna sa lockdown ang Barangay Ingud Norte matapos magpositibo ang isang residente.

Si CV282 ay isang Authorized Person Outside Residence na may paglalakbay sa Maynila mula noong ika-3 hanggang ika-5 ng Hulyo at nakauwi noong ika-6 ng Hulyo.

Nang malaman nitong nagpositibo ang kanyang kasamahan sa trabaho ay agad siyang nagpatest at nalamang positibo siya sa virus.

--Ads--

Isasailalim sa Lockdown ang naturang Barangay para sa Contact Tracing dahil nakauwi ang pasyente doon.

Ayon kay Mayor Panganiban, nasa 20 direct contacts na ni CV282 ang naisailalim sa swab test at kasalukuyan pa rin ang kanilang contact tracing.

Tiniyak naman ng Punong bayan na LGU ang magbibigay ng mga pangangailangan ng mga residenteng malalockdown sa loob ng nasabing barangay.

Nananawagan siya sa mga nakasalamuha ni CV282 na maghome quarantine na at pakiramdaman ang sarili kung may mararamdamang sintomas ng COVID-19.

Tinig ni Mayor Joele Mathea Panganiban.