--Ads--

CAUAYAN CITY – Pagpapaliwanagin ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO II ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kaugnay sa extension ng power interruption sa ilang mga lugar sa Isabela kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dir. Sherwin Balloga, Chairman of the board ng District 1 ISELCO 2, sinabi niya na ipapatawag nila ang Engineer ng NGCP upang ipaliwanag ang late na abiso sa extension ng power interruption.

Aniya, pangalawang beses nang hindi nasunod ng NGCP ang target time kung kailan babalik ang suplay ng kuryente.

Sumulat na aniya sila noon sa NGCP kaugnay sa kaparehong isyu ngunit wala silang natanggap na tugon mula sa nasabing tanggapan.

--Ads--

Kung hindi pa aniya sila tutugon ay magpapataw sila ng sanction sa kanilang hindi pagpapaliwanang sa nangyaring aberya sa power interruption kagabi.

Ayon kay Ginoong Balloga, dapat sundin ng NGCP ang target time at mag-abiso ng maaga kung may extension sa power interruption.

Panahon na aniya para kalampagin ang NGCP upang hindi na maulit ang kaparehong pangyayari.

Humingi naman siya ng paumanhin sa mga member consumer na nasasakupan ng ISELCO 2 sa abala na naidulot ng extended power interruption.