--Ads--

Ikinuwento ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na siya ay palihim na bumisita sa United Arab Emirates at nakipagpulong kay UAE President Sheikh Mohammed bin Zayed sa gitna ng digmaan sa Iran, at tinawag itong “historic breakthrough” para sa ugnayan ng dalawang bansa.

Subalit mariing itinanggi ng UAE Foreign Ministry ang naturang pahayag at sinabing walang katotohanan ang mga ulat hinggil sa pagbisita. Nilinaw rin ng Abu Dhabi na ang relasyon nito sa Israel ay nakabatay sa Abraham Accords at isinasagawa sa pormal at opisyal na paraan, hindi sa anumang hindi awtorisadong kasunduan.

Sa gitna nito, nananatiling tensyonado ang rehiyon matapos ang mga ulat ng pag-atake ng Iran sa ilang target sa United Arab Emirates habang nagpapatuloy ang hidwaan sa Middle East.