Patuloy na nararamdaman ng mga operator at tsuper ng mga pampublikong transportasyon ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo nitong mga nagdaang Linggo.
Ayon sa kanila, lubos itong nakaaapekto sa kanilang kita at pang araw-araw na pamumuhay lalo na sa mga walang sariling sasakyan na ginagamit sa pamamasada.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rulo Tarun, jeepney driver, sinabi niya na kapag tumataas ang presyo ng Diesel ay lumiliit ang kaniyang kita kaya naman napipilitan silang magtipid sa sarili upang masiguro na may maiuwi lamang sa kanilang pamilya.
Sa pagpapahayag naman ng isang pang jeepney Driver na si Ginoong Ricky Ramento sa Bombo Radyo, nananawagan siya na sana ay tumaas din ang pamasahe kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Halos wala na kasi silang natitira sa kanilang kita dahil dito lalo na sa mga tsuper na walang sariling sasakyan sa pamamasada.









