--Ads--

Tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang suliranin ng job mismatch sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag-uugnay sa mga naghahanap ng trabaho at mga employer.

Ayon kay Mayor Caesar JC Dy Jr., layunin ng lungsod na mabigyan ang mga residente ng oportunidad na makapasok sa mga trabahong naaayon sa kanilang natapos na kurso, kasanayan, at kakayahan upang higit na mapakinabangan ang kanilang potensyal.

Sinabi ng alkalde na marami pa ring Pilipino ang nagtatrabaho sa mga posisyong hindi tugma sa kanilang pinag-aralan. Aniya, nais itong mabawasan sa pamamagitan ng mas pinaigting na employment programs ng pamahalaang lungsod.

Binigyang-diin din ni Dy na sa isinagawang konsultasyon sa mga benepisyaryo ng programa para sa mga solo parent, lumabas na mahigit kalahati sa kanila ang walang trabaho.

--Ads--

Dahil dito, paiigtingin pa ng lungsod ang mga hakbang upang mapalapit ang mga job seeker sa mga employer at mabigyan sila ng mas maraming oportunidad para sa disenteng hanapbuhay.