Bagamat kabilang sa Red Category ang Jones Isabela bilang isa sa mga Grave Areas of Concern ngayong halalan ay nanatiling mapayapa ang naturang Bayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer Jericho John Cortez ng Comelec Jones, sinabi niya na nagsumite na sila ng Position letter sa Joint Regional Command Center para hilingin na ma-reclasify ang Bayan ng Jones.
Aniya batay sa Red Category kailangan na may intense political conflict o rivalry, may armed conflict o presence of armed groups ang isang lugar para mapabilang sa nasabing kategorya.
Batay sa kanilang analysis ay hindi pasok ang Jones sa naturang kategorya lalo at walang political rivalry ngayon sa Jones sa Mayoralty at Vice Mayoralty race habang mayroon lamang labing apat na kandidato para sa pagka-Sanguniang Bayan.
Naniniwala sila na mananatiling payapa ang halalan ngayong taon sa Jones, Isabela at umaasang bibigyang pansin at pag-aaralan ng Comelec ang reclasification nito sa orange o green category.
Aniya patuloy ang pagsisikap nila para makawala sa stigma na ang Bayan ng Jones ay kabilang sa Red Category o Areas of Grave concern dahil sa Election Related Violence o incidents.