Mahigpit na pinaalalahanan ang mga vendor sa mga night market at bangketa sa Cauayan City na panatilihing malinis ang kanilang mga pwesto matapos ang operasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Pilarito Mallillin ng Public Order and Safety Division, iginiit niyang bahagi ng responsibilidad ng mga vendor ang maayos na paghawak at pagtatapon ng kanilang mga basura.
Binigyang-diin ni Mallillin na hindi lamang pagtitinda ang tungkulin ng mga vendor, kundi kabilang din dito ang paglilinis ng kanilang pwesto bago umuwi, lalo na matapos ang operasyon sa gabi.
Ayon sa kanya, hindi dapat iasa lamang sa mga street sweeper ang paglilinis ng mga basurang iniiwan ng mga nagtitinda.
Nanawagan siya sa mga vendor na akuin ang responsibilidad sa kanilang mga basura upang mapanatiling malinis at maayos ang mga lugar na ginagamit sa pagtitinda.
Binalaan rin ng POSD na maaaring makansela ang kanilang kapag nagpapatuloy ang kanilang ganitong gawain.











