--Ads--

Mas pinaigting ng Isabela Highway Patrol Group ang kampanya laban sa carnapping kasunod ng pagkakaaresto sa isang indibidwal na hinihinalang carnapper sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Renoli Bagayao, Provincial Officer ng HPG-Isabela, sinabi niya na patuloy nilang pinalalakas ang kanilang operasyon upang masugpo ang mga insidente ng pagnanakaw ng sasakyan sa lalawigan.

Binigyang-diin nito na kabilang sa kanilang mga hakbang ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing lansangan, pagpapatuloy ng mga checkpoint operations at pagpapatuloy, at pinagiting na kooradinasyon sa iba pang law enforcement agencies upang agad na matukoy at maaresto ang mga sangkot sa carnapping.

Hinimok din niya ang publiko na maging mapagmatiyag at agad na iulat sa mga awtoridad ang mga kahinahinalang aktibidad o transaksyon na may kinalaman sa mga sasakyan.

--Ads--

Naniniwala ang HPG na sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-tulungan ng publiko ay mas mapapalakas ang kampanaya laban sa carnapping matiyak ang seguridad ng mga motorista sa lunsod.