--Ads--

Aminado ang ilang PBA players na naglaro para sa Gilas Pilipinas sa Aichi-Nagoya Asian Games na hindi nila nakamit ang inaasahang resulta matapos magtapos ang koponan sa ika-siyam na puwesto.

Ayon kay Rain or Shine guard Adrian Nocum, marami silang natutunan sa kanilang unang international campaign na maaari nilang dalhin sa kanilang pagbabalik sa PBA.

Kasama rin sa mga unang beses na naglaro para sa national team sina Justin Arana, Sedrick Barefield, Jerrick Ahanmisi at Zavier Lucero.

Sinabi naman ni Arana na mahalagang maging handa sa bawat laro dahil mas mabilis at mas malalaki ang mga kalaban sa international competition.

--Ads--