--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang karpintero matapos bumangga sa puno ng niyog ang minamaneho nitong motorsiklo sa  Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Ang biktima ay si Michael Sinai, dalawampu’t anim na taong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Batay sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, matulin umano ang patakbo ng biktima sa kaniyang motorsiklo habang siya ay papauwi na sana sa kanilang bahay.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla umanong nawalan ng kontrol ang biktima sa manubela ng motorsiklo dahilan kaya’t sumalpok ito sa puno ng niyog sa tabi ng daan.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na agad namang nirespondehan ng Rescue 922 at isinugod sa Cauayan City District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending Physician.

Sa ngayon ang labi ng biktima ay naiuwi na ng kanyang pamilya sa Brgy. Pinoma, Cauayan, City.