--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa isang daan at labinlima ang kaso ng COVID-19 sa ikalawang rehiyon matapos na makapagtala ng tatlong panibagong kaso ngayong araw.

Ang unang kaso ay si CV 113 na isang 23-anyos na lalaki na mula sa lunsod ng Ilagan.

Siya ay isang locally stranded individual (LSI) na galing sa Sampaloc, Manila.

Nakarating siya sa Isabela noong ika-23 ng Hunyo at kinuhanan ng sample para sa PCR test noong ika-29 ng Hunyo.

--Ads--

Asymptomatic o walang sintomas na nararamdaman si Patient CV 113 na nasa quarantine facility ngayon ng LGU Ilagan.

Ang pangalawang kaso ay si CV 114 na isang 50-anyos na babae na mula rin sa lunsod ng Ilagan at galing din sa Sampaloc, Manila.

Nakarating siya sa Isabela noong ika-23 ng Hunyo at kinuhanan ng sample para sa PCR test noong ika-2 ng Hulyo.

Siya ay nakaranas ng pananakit ng lalamunan noong ika-5 ng Hulyo at nasa quarantine facility rin ng LGU Ilagan.

Ang pangatlong kaso ay si CV 115 na isang 42-anyos na lalaki mula sa Enrile, Cagayan.

Siya ay isa ring LSI na galing sa QUEZON CITY.

Nakarating siya sa Cagayan noong ika-3 ng Hulyo at kinuhanan ng sample para sa PCR test noong ika-3 ng Hulyo.

Tulad ni CV 113 ay wala ring sintomas na nararamdaman o ‘asymptomatic’ si CV 115 na nasa quarantine facility ngayon ng LGU.

Nagsasagawa na ng contact tracing DILG at PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, at mga Pamahalaan lokal kung saan residente ang mga nagpositibo.