CAUAYAN CITY- Natagpuan na ang katawan ng isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa Barangay Sipay, Lungsod ng Ilagan.
Ang biktima ay kinilalang si Alisson Cacal na residente ng nasabing lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Paul Klaro, kaibigan ng biktima, sinabi niya na nagkayayaan silang magkakaibigan na mag-food trip at mag-inuman sa ilalim ng Malalam Bridge.
Aniya, patapos na aniya sila ngunit lumusong sa tubig ang tatlo niyang kasama kabilang ang biktima ngunit hindi siya sumama dahil malakas ang agos ng tubig.
Hindi naman umano nila napansin na nagtungo ang biktima sa kabilang bato sa gitna ng ilog ngunit sumobra ito sa kaniyang target kaya minabuti na lamang nitong bumalik ngunit dito na siya nalunod.
Sinubukan naman nila itong tulungan habang inaantay nila ang mga tinawagan nilang rescuer.
Marunong naman umanong lumangoy ang biktima ngunit maaaring napagod ito kaya hindi na siya nakaahon pa sa tubig.