--Ads--

Mariing itinanggi ni Atty. Nicholas Kaufman, lead defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ang mga puna laban sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag sa ethical standards ng korte.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Kaufman na wala siyang sinalungat na ethical obligations sa ICC.

Ayon sa kanya, ang mga kritisismo ni ICC Presiding Judge Joanna Korner ay hindi indikasyon ng paglabag, kundi bahagi lamang ng tinatawag niyang “judicial sensitivity.”

Nauna nang sinabi ni Judge Korner na ang paglilitis kay Duterte ay hindi dapat magpasya sa “court of public opinion.” Tinawag din niyang “inappropriate” ang mga naunang pahayag ni Kaufman sa media.

--Ads--

Gayunman, iginiit ng abogado na ang lahat ng kanyang naging aksyon ay mahigpit na nakabatay sa ICC code of conduct, at wala siyang nilabag na alituntunin sa kanyang tungkulin bilang counsel.