--Ads--

Kinumpirma ni King Charles na nananatiling non-working royals o hindi aktibong miyembro ng British Royal Family sina Prince Harry at Meghan Markle.

Sa isang liham na ipinadala sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at militar ng Britain, sinabi na wala nang pagbabago sa status ng Duke at Duchess of Sussex matapos nilang talikuran ang kanilang royal duties noong 2020.

Ayon sa liham, maaari pa ring ipagpatuloy nina Harry at Meghan ang kanilang mga personal, commercial at charitable activities bilang private citizens.

Kamakailan lamang ay bumalik sa Britain si Prince Harry kasama ang kanyang pamilya, anim na taon matapos nilang iwan ang royal duties at manirahan sa United States.

--Ads--