
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 300 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Region 2 matapos makapagtala ng 9 na panibagong kaso kahapon, ika-25 ng Hulyo.
Una ay si CV 292 na 6-anyos na lalaki, isang Locally Stranded Individuals (LSI) na mula sa Valenzuela City at residente ng Tumauini, Isabela.
Siya ay nagkaroon ng ubo na nagsimula noong ika-4 ng Hulyo.
Pangalawa ay si CV 293 na 63-anyos na babae, isang LSI na mula sa Novaliches, Quezon City at residente rin ng Tumauini, Isabela.
Pangatlo ay si CV 294 na 31-anyod na lalaki, isang LSI mula sa Pasay City at residente ng lunsod ng Cauayan.
Pang-apat ay si CV 295, 37-anyos na babae at residente ng Ramon, Isabela.
Siya ay isang health worker na walang naitalang kasaysayan ng paglalakbay subalit may mga nakasalamuhang positibo sa COVID-19.
Panglima ay si CV 296, 35-anyos na babae, isang LSI mula sa Cavite at residente ng Delfin Albano, Isabela.
Siya ay nakaranas ng pag-ubo at pananakit ng lalamunan na nagsimula noong ika-19 ng Hulyo.
Pang anim ay si CV 297, 32-anyos na lalaki, isang LSI na mula sa Taguig City at residente ng Peñablanca, Cagayan.
Pang pito ay si CV 298, 25-anyos na lalaki na mula sa lunsod ng Tuguegarao.
Isa siyang hospital staff na walang kasaysayan ng paglalakbay subalit may nakasalamuhang positibo sa COVID-19.
Siya ay nakaranas ng pananakit ng lalamunan na nagsimula noong ika-14 ng Hulyo.
Pangwalo ay si CV 299, 48-anyos na lalaki, isang OFW na residente ng lunsod ng Cauayan.
At pang siyam ay si CV 300, 31-anyos na babae, isang LSI na mula sa Caloocan City at residente ng Solana, Cagayan.
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng nagpositibong kaso ay kasalukuyang nang isinasagawa ng DILG at PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela maging ang mga Lokal na Pamahalaan at Pamahalaang lunsod kung saan residente ang mga nagpositibong kaso.










