Dumating na sa Pilipinas ang labi ng OFW na si Mary Ann De Vera, ang Filipinang caregiver na nasawi sa isang missile attack sa Tel Aviv, Israel.
Naiuwi ang kanyang katawan sa Maynila ngayong araw Marso 14, 2026, kasama ang kanyang asawa na si Bernie Lavarias, na kamakailan ay personal na pinuntahan ng Pangulo ng Israel na si Isaac Herzog, upang ipaabot ang pakikiramay sa kanilang pamilya.
Ipinahatid ang dasal, pakikiramay, at buong suporta ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), H.E. Dana Kursh, at ilang miyembro ng Kongreso at Senado na sumalubong sa labi ni Mary Ann, bilang pagkilala sa kanyang sakripisyo sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
Patuloy namang nakatutok ang DMW at OWWA sa pagbibigay ng kinakailangang tulong at suporta sa pamilya ni Mary Ann habang sila ay nagdadalamhati.










