--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang laborer matapos maaksidente sa Kalabasa, Aurora, Isabela.
Ang biktima ay si Mario Zipagan, tatlumpu’t siyam na taong gulang, may asawa, laborer at residente ng Sta. Rosa, Aurora, Isabela.
Batay sa imbestigasyon ng Aurora Police Station, binabagtas ng biktima ang southbound lane ng kalsada sa Brgy. Kalabaza gamit ang kanyang motorsiklo nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.
Nahulog ang biktima sa shoulder ng kalsada at bumangga sa haligi ng waiting shed.
--Ads--
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na agad dinala sa isang Clinic ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Dinala na ang motorsiklo ng biktima sa Aurora Police Station para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.










