--Ads--
CAUAYAN CITY- Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na kukuha lamang sana ng Police Clearance matapos mapag-alaman na mayroong kasong nakabinbin laban sa kaniya.
Kinilala ang akusado na si alyas “Upe”, 24-anyos, Security Guard at residente ng Daragutan, San Mariano, Isabela.
Ayon sa Cauayan City Police Station, nagtungo ang akusado sa Pulisya para kumuha ng Police Clearance subalit nang I-check ang kaniyang record, dito na napag-alaman na mayroong existing warrant of arrest laban sa kaniya.
Nahaharap ito sa kasong slight physical injury na nakahain pa noong ika-15 ng Disyembre 2022.
--Ads--
Agad naman siyang inaresto ng mga kapulisan para sa dokumentasyon at kaukulang disposiyon.