--Ads--

CAUAYAN CITY Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng van ang minamaneho nitong motorsiklo sa San Manuel, Isabela.

Ang biktima ay si Conrado Pascua, 40-anyos, may asawa, palay classifier at residente ng District 1, San Manuel, Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Jessie James Nalicao, 30-anyos, may asawa, civil engineer at residente ng Naneng, Tabuk City, Kalinga.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng van ang southbound lane ng Pambansang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay biglang umagaw ng linya ang kasalubong na motorsiklo na agad namang iniwasan ng driver ngunit nahagip pa rin ang motorsiklo sanhi para ito ay mabangga at bumaliktad.

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima na agad dinala ng mga rumespondeng kasapi ng RESCUE 811 sa isang Clinic ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--

Wala namang natamong sugat at nasa mabuting kalagayan ang tsuper ng van.

Dinala na ang mga sangkot na sasakyan sa San Manuel Police Station para sa kaukulang disposisyon.