--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang helper matapos magbigti sa San Jose, San Mariano, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Marlon Cornilio, 24-anyos, helper at residente ng naturang lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, lumabas sa pagsisiyasat ng San Mariano Police Station na nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ni Cornilio kaninang alas singko ng umaga sa terrace ng ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Gumamit ng alambre ang lalaki sa kanyang pagbibigti.
--Ads--
Sinasabing nakaranas ng depresyon si Cornilio matapos iwan ng kanyang live in partner.










