--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos murahin ang mga rumespondeng pulis sa Barangay Bugallon Proper Ramon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, hepe ng Ramon Police Station sinabi niya na unang nakatanggap ng tawag ang kanilang himpilan mula sa concerned citizen kaugnay sa kaguluhang nagaganap sa lugar.

Agad namang rumisponde ang mga kapulisan at sa lugar naabutan ang suspek na nakikipagtalo sa kaniyang kapitbahay.

Ayon sa hepe na matapos makita ng suspek ang mga rumispondeng pulis ay dito na siya di umano nagmura at nagsabi ng mga opensibong pananalita laban sa mga otoridad.

--Ads--

Nakiusap umano ang mga rumispondeng pulis sa supek na kumalma ngunit hindi ito tumalima at akto pang manlalaban matapos ay bigla itong nagtatakbo.

Dahil dito ay agad itong dinakip ng pulisya at dinala sa himpilan ng Ramon Police Station.